Matatandaan na noong kalagitnaan ng kasikatan ng content creator na si Deo Balbuena, mas kilala bilang Diwata, ilang beses siyang humingi ng "privacy" sa mga taong gustong makakita at makakuha ng larawan kasama siya. Noon, naging usap-usapan ang pagiging mailap ni Diwata sa kanyang mga tagahanga, na tila ba mas pinipili niyang mapanatili ang kanyang personal na espasyo.
Ngunit tila nagbago na ang ihip ng hangin dahil ngayon ay mas nakikita na siyang lumalapit at nakikipag-engage sa kanyang mga customers at tagahanga. Minsan pa nga, si Diwata na mismo ang nag-aalok ng pagkakataon na makakuha ng larawan kasama siya, nagpapakita ng mas bukas na pakikitungo sa kanyang supporters.
Ang pagbabago sa kanyang pag-uugali ay umani ng papuri mula sa kanyang mga fans na masaya dahil sa mas approachable na Diwata. Maraming nagtatanong kung ito ba'y bunga ng kanyang natutunan sa pagiging isang public figure o simpleng desisyon lang na mas maging accessible sa mga taong sumusuporta sa kanya.
Kaya naman, para sa mga tagahanga ni Diwata, mukhang ito na ang pagkakataong makita ang kanilang idol na mas palakaibigan at handang makisalamuha sa kanila!
No comments:
Post a Comment