Tila isang bagong mukha sa politika ang sumubok makapasok sa #Halalan2025, matapos pormal na maghain ng kanyang kandidatura si Deo Balbuena, mas kilala bilang "Diwata" sa social media. Isa siyang kilalang personalidad sa mga online platforms, at ngayon ay nagpasyang tumahak sa landas ng serbisyo publiko.
Photo: Diwata/FB
Bilang ika-apat na nominee ng ‘Vendors Party List,’ layunin ni Balbuena na maging boses ng mga vendor o nagtitinda sa buong bansa. Ipinahayag niyang ang kanyang kandidatura ay nakatuon sa pagtataguyod ng karapatan at kapakanan ng mga maliliit na negosyante at magtitinda, na madalas ay walang sapat na representasyon sa mga desisyon ng pamahalaan.
Sa kabila ng kanyang kasikatan online, isang hamon para kay Balbuena ang patunayan na kayang lumagpas ng kanyang impluwensya mula sa social media patungo sa mas malalim na diskurso ng pulitika. Ngayon, kanyang pinapanday ang daan upang maging epektibong kinatawan ng sektor na matagal nang naghahangad ng pagkalinga mula sa gobyerno.
No comments:
Post a Comment