Nagpahayag ng matinding pagkadismaya ang direktor na si Ronaldo Carballo sa naging desisyon ni Doc Willie Ong na tumakbo bilang senador sa darating na Halalan 2025.
Photo: Doc Willie/FB
Ayon kay Carballo, tila ginagamit lamang ni Doc Willie ang kanyang kalagayan upang makakuha ng simpatiya mula sa publiko, lalo na matapos ibahagi ng doktor na siya ay may malubhang sakit at nagpapagamot sa Singapore.
Ipinunto ni Carballo na sa halip na ituon ang oras at atensyon sa pagpapagaling, mas pinili pa ni Doc Willie na sumabak sa pulitika, na aniya'y hindi angkop sa kasalukuyang kalagayan ng doktor. “After nyang ideklara na may malala syang kanser; nagpakalbo na nga, at nagpapagamot na sa Singapore, biglang tatakbo pang Senador na may dramatic video pa ng announcement! Hindi nakatutuwa!” pahayag ng direktor.
Dagdag pa rito, tinanong din ni Carballo ang kakayahan ni Doc Willie na gampanan ang tungkulin bilang senador kung sakaling manalo ito, lalo na’t nakaratay umano siya sa sakit. Bukod dito, may prangkang komento rin si Carballo laban kay Doc Liza Ong, ang asawa ni Doc Willie, na kanyang tinawag na kunsintidor sa desisyon ng asawa. Ayon sa direktor, dapat ay mas inisip ni Doc Liza ang kalusugan ng kanyang asawa kaysa hayaan itong tumakbo sa pulitika.
No comments:
Post a Comment