Chloe San Jose, Ibinahagi ang mga Previous Domestic Violence

 



Ibinahagi ni Chloe San Jose, isang kilalang content creator, ang kanyang kwento ng lakas at determinasyon matapos makaranas ng domestic violence. 

Photo: Chloe/FB

Sa isang panayam sa Toni Gonzaga Studio, inilahad ni Chloe ang kanyang karanasan mula sa hirap hanggang sa pagbangon, kung saan nakaharap niya ang pisikal at emosyonal na sakit na dulot ng pang-aabuso noong siya’y tinedyer pa lamang.


Ayon kay Chloe, nakaranas siya ng parehong pisikal at verbal na pang-aabuso na labis na nakaapekto sa kanyang kalusugan pangkaisipan. “Kaya po noong 16, gusto ko na talagang umalis po. Pero since minor po ako, I couldn’t. So, naghintay pa po ako ng two years mag-18 para po makaalis po ko,” ani ni Chloe, habang inaalala ang kanyang pakiramdam ng kawalan ng kakayahang makalayo dahil sa kanyang murang edad.


Habang nasa ganitong kalagayan, mas pinili ni Chloe na ituon ang kanyang oras sa pag-aaral at mga extracurricular activities upang maiwasan ang anumang gulo sa kanilang tahanan. Nang tuluyan na siyang nakalayo sa kanyang mapang-abusong kapaligiran, pansamantala siyang nanirahan sa bahay ng kanyang matalik na kaibigan hanggang sa matapos niya ang high school. Ibinahagi niya na ang karanasang ito ang nagbigay sa kanya ng lakas na kailangan upang magpatuloy sa buhay.


Sa kabila ng lahat ng kanyang pinagdaanan, bumalik si Chloe upang tulungan ang kanyang nakababatang kapatid na mailayo rin sa parehong sitwasyon. Para kay Chloe, ang mga pagsubok na kinaharap niya noong kabataan ang dahilan ng kanyang matibay na karakter. “Kaya po siguro iyon nami-misunderstood ‘yung tapang ko po kasi nga po they don’t know naman what happened sa early childhood ko po,” pahayag niya, habang pinagninilayan ang kanyang pagbangon mula sa sakit at kung paano siya naging mas matatag dahil dito.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts