Carlos Yulo, May Matapang na Sagot sa Mga Bumabatikos sa Kanyang Height!

 

Hindi pinalampas ng two-time gold medalist na si Carlos Yulo ang mga kumukuwestyon sa kanyang height. Sa isang candid na pahayag, inamin ni Carlos na ang kanyang pagsusumikap at dedikasyon sa training ang naging dahilan kung bakit hindi lumaki ang kanyang height gaya ng inaasahan ng marami.

Photo: Carlos/FB


"I never stopped training," sabi ni Yulo. Ipinaliwanag niya na ang walang tigil na training mula pagkabata ang nakaapekto sa kanyang growth. "That explains why my height is stunted. ‘Yung mga buto ko po sa tuhod ay hindi ma-i-stretch dahil hindi po ako tumigil sa training," dagdag pa niya.


Sa kabila ng mga komento tungkol sa kanyang pisikal na anyo, nananatiling focused si Carlos sa kanyang mga layunin bilang isang atleta. Pinatunayan niyang ang kanyang taas ay hindi hadlang upang makamit ang tagumpay sa larangan ng gymnastics, kung saan patuloy siyang kumikinang bilang isa sa mga pinakamahusay.


Sa kanyang matapang na tugon, ipinakita ni Carlos na mas mahalaga ang dedikasyon, determinasyon, at talento kaysa sa pisikal na mga katangian.

No comments:

Post a Comment