Hindi pinalampas ni Carlos Yulo ang pagkakataong ipaliwanag sa publiko ang tunay na dahilan kung bakit nanatili siya sa taas na 4'11". Sa kabila ng kanyang world-class na performance at tagumpay sa gymnastics, tila maraming nagtatanong kung bakit tila hindi na siya lumaki pa, lalo na't inaasahan ng karamihan na mas matangkad dapat siya bilang isang pambansang atleta.
Photo: Carlos/FB
Sa social media, hindi rin siya nakaligtas sa mga mapanuring mata ng netizens. Maraming nagsasabing masyado siyang "punggok" at tila kinukutya ang kanyang tangkad, na parang nalilimutan ng iba ang galing at dedikasyon niya sa kanyang isport. Ngunit sa kabila ng lahat ng ito, nanatiling kalmado si Yulo at handang sagutin ang mga patutsada sa kanya.
"Ano po kasi, hindi talaga nagkaroon ng chance na mag-stretch 'yung mga buto ko sa tuhod dahil hindi po ako tumigil sa training," diretsong sagot ni Yulo nang tanungin tungkol sa kanyang height. Aminado siyang pinili niyang isakripisyo ang kanyang natural na paglaki para maabot ang kanyang pangarap na maging isa sa pinakamahusay na gymnasts sa mundo.
Sa likod ng kanyang tangkad na 4'11", nariyan ang kwento ng walang tigil na pagsasanay at dedikasyon sa larangan ng gymnastics. Para kay Carlos Yulo, hindi ang taas ng kanyang katawan ang sukatan ng tagumpay kundi ang taas ng kanyang pangarap at ang husay na ipinapamalas niya sa bawat laban.
Wala din selbe kaloy ang maging hero ka ng gymnast dahil suwail kang anak di ka talaga tumangkad
ReplyDeleteWala kang kwentang anak … lahat na lang sinisisi mo sa magulang mo …. Wala kang utang na loob …dapat hindi ka pinag kalooban ng ganyang talento…. Kaya hindi ka talaga tatangkad at mananatili kang punggok o pandak
ReplyDeleteKahit pa anong narating at mararating mo hindi ka pa rin dapat tularan ng mga kabataan o nang kahit sinong anak. Isa lang napaka bastos at suwael na anak. Hindi gugustuhin nang kahit sinong ina na magkaroon ng anak na kagaya mo.
ReplyDelete