Matapos maging bagong endorser ng Choco Barley, tila may pinaparinggan ang 2-time Paris Olympic Gold medalist na si Carlos Yulo sa kanyang pahayag.
Photo: Carlos/FB
Sa isang video, sinabi ni Carlos, "Mahilig talaga ako sa chocolate drink, kaya lang madalas hindi ito healthy." Pagkatapos ay idinagdag niya, "Pero nahanap ko na ang healthy chocolate drink, ang aking new favorite... ang Amazing Choco-Barley!"
Agad itong nakatawag-pansin sa mga netizens, lalo na't si Carlos ay dating endorser ng isang sikat na chocolate drink brand. Marami ang nagtatanong kung ang kanyang pahayag ay patungkol sa dati niyang endorsement na hindi na siya muling kinuha ng nasabing brand.
Sa kabila ng intriga, ipinakita ni Carlos ang kanyang dedikasyon sa isang healthy lifestyle sa pagpili ng Choco Barley bilang kanyang bagong paboritong inumin. Patuloy na inaabangan ng mga tao ang magiging sagot ng dati niyang brand sa mga sinabi ni Carlos.
No comments:
Post a Comment