Usap-usapan ngayon ang tila dedma na pagtrato ni Carlos Yulo sa kaarawan ng kanyang amang si Mark Andrew Yulo, matapos mapansin ng netizens na hindi nagpakita ang two-time Olympic gold medalist at multi-millionaire sa espesyal na okasyon.
Sa isang post na ibinahagi ng kanyang ina, si Mrs. Angelica Yulo, makikitang wala si Carlos sa selebrasyon ng kanyang ama na ginanap sa isang restaurant.
Marami ang nagtaka kung bakit hindi man lang bumati o nagpadala ng regalo si Carlos Yulo sa kaarawan ng kanyang sariling ama, lalo na’t ilang beses nang napag-usapan ang tila malamig na relasyon ng mag-ama. Noong Agosto pa lamang ay nangako si Carlos na makikipagkita siya kay Mark Andrew, ngunit tila hindi natupad ang kanyang sinabi.
"Maraming salamat, Pa. Masaya ako nakita kita don nakasuporta!" aniya noon. "Pasensya na, Pa, hindi ako masyado nakakaway. Ang daming nagpa-autograph hehe. Kitakits soon, Pa." Subalit, ang pangakong iyon ay tila nabalewala sa mismong kaarawan ng kanyang ama.
Dahil dito, hindi maiwasang magtanong ang netizens kung ano nga ba ang tunay na estado ng relasyon ni Carlos Yulo sa kanyang ama. Patuloy na umaasa ang marami na darating din ang panahon na magkakaroon ng mas maayos na pagkakaunawaan at pagkikita ang mag-ama.
No comments:
Post a Comment