Hindi na napigilan ni BB Gandanghari ang kanyang emosyon at matagal nang kinikimkim na sama ng loob laban kay Vice Ganda.
Photo: BB Gandanghari/FB
Sa isang kontrobersyal na livestream, diretsahan niyang tinawag na "bobita" ang komedyante at TV host na si Vice Ganda, kasabay ng pagbulalas ng kanyang hinanakit mula sa mga salitang binitiwan ni Vice Ganda mahigit isang dekada na ang nakalilipas.
Ayon kay BB Gandanghari, matindi ang kanyang pagkadismaya kay Vice Ganda matapos nitong talakayin ang kanyang desisyon na mangarap maging modelo sa Amerika. Ang mga komento ni Vice Ganda noon ay nagdulot umano ng malalim na sugat kay BB, at hanggang ngayon ay ramdam niya pa rin ang sakit ng mga ito.
“Ang tagal ko nang kimkim ‘yan. Ngayon lang ako nagsalita,” sabi ni BB sa kanyang livestream. Sa kabila ng matagal na panahon, tila hindi pa rin nawawala ang hinanakit ni BB kay Vice Ganda, at ngayon, pinili niyang buksan muli ang usapin.
Tila mainit na namang usapin ito sa showbiz world, kaya’t maraming netizens ang nag-aabang kung paano tutugon si Vice Ganda sa mga maaanghang na pahayag ni BB Gandanghari.
No comments:
Post a Comment