Willie Ong Ibinunyag ang Kanyang Pagkakaroon ng Sarcoma, Sumailalim sa Chemotherapy

 


Ibinahagi ni Dr. Willie Ong, isang cardiologist at health advocate, na siya ay kasalukuyang nakikipaglaban sa cancer. Sa kanyang Facebook page, inihayag na siya ay na-diagnose ng sarcoma, isang 16x13x12 sentimetrong tumor sa kanyang abdomen. Ang tumor ay bahagyang o ganap na humaharang sa kanyang esophagus, inferior vena cava, at kanang atrium.

Photo: Dr. Ong/FB


Sa isang video, isiniwalat ni Doc Willie na nagsimula siyang makaramdam ng matinding sakit sa likod noong nakaraang taon, sa mismong araw ng kanyang kaarawan. "Noong birthday ko, biglang may masakit banda sa taas... Hindi ako makahiga sa gabi," aniya. Noong Agosto 18 o 19, bago siya ma-admit sa ospital, nakaranas siya ng pinakamatinding sakit sa kanyang likod.


Inilarawan ni Dr. Willie ang kanyang kondisyon bilang bihira at agresibo. Bagama't nalungkot siya noong una, sinabi niyang siya ay nakatuon pa rin sa kanyang layunin. Sa kasalukuyan, sumasailalim na siya sa chemotherapy at humihiling ng dasal para sa paggaling, ngunit inamin niya na mahirap labanan ang ganitong uri ng cancer.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts