Video ni Kyline Alcantara at Kobe Paras na Magkasama, Viral sa Social Media

 


Isang video ang mabilis na kumalat online kung saan makikita ang aktres na si Kyline Alcantara at basketball player na si Kobe Paras na magkasama sa isang event. 

Photo: User/Tiktok

Sa clip, makikita si Kyline na nakaupo sa lap ni Kobe habang ito ay kumakanta ng kantang "Hinahanap-Hanap Kita" ng Rivermaya. Habang kumakanta si Kobe, makikita rin si Kyline na inaayos ang buhok ni Kobe at si Kobe naman ay nagbibigay ng halik sa balikat ni Kyline.


Agad namang pumukaw sa atensyon ng netizens ang video, at puno ng kilig ang kanilang mga reaksyon. Maraming nagkomento na tila nagbalik sa panahon ng kilig ng mga artista noong dekada 80s tulad nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion. Sabi ng ilang netizens, “Sobrang kilig namin sa video na ‘to. Parang Sharon at Gabby ang dating!” Ang iba naman ay nagbibiro, “Wala man lang nagsabi na kailangan palang may kandong sa pag-kanta. Grabe naman kayo, paano na kami mga single?”


Ang cute at sweet na eksena ng dalawa ay tila nagbigay inspirasyon sa kanilang mga fans na nagkomento sa social media na tila pinagtadhana ang dalawa. Marami ang nag-express ng kanilang saya sa pinakitang pagmamahalan at pagiging malapit ng dalawa.

@rhiannalorain0 Omggggg so kilig🥰🥰#kylinealcantara #fyp #kobeparas ♬ original sound - Rhianneyks

No comments:

Post a Comment

Popular Posts