Kamakailan, nagdesisyon ang YouTube channel na "Toni Talks" na tanggalin ang kontrobersyal na interview kina Carlos Yulo, ang kilalang Filipino gymnast, at ang kanyang nobya na si Chloe San Jose.
Photo: Toni/IG
Ito ay matapos umani ng matinding pambabatikos at kaliwa’t kanang negatibong komento mula sa netizens. Ayon sa mga ulat, napilitan ang kampo ni Toni Gonzaga na burahin ang video upang maiwasan ang mas malalaking problema tulad ng bashing at report laban sa kanilang channel, na posibleng magresulta sa pagkakasuspinde ng kanilang account sa YouTube.
Marami sa mga netizens ang nag-react sa content ng interview, partikular sa mga tanong ni Toni at sagot ng mga panauhin, na naghatid ng hati-hating opinyon sa social media. Bagama’t may mga followers na nagpahayag ng suporta sa interview, hindi rin maiwasan ng iba na kwestyunin ang ilang pahayag na binitiwan ng mga panauhin. Dahil dito, naging mabilis ang pagkalat ng mga negatibong komento na nagbunsod sa desisyon ng "Toni Talks" team na tanggalin ang video bago pa lumala ang sitwasyon at ma-report ang kanilang channel.
Sa kabila ng hakbang na ito, patuloy pa rin ang pag-usbong ng diskusyon online. Maraming netizens ang nagtatanong kung paano haharapin ng programa ang ganitong uri ng kontrobersya sa hinaharap. Samantala, ayon naman sa kampo ni Toni Gonzaga, ang pagkakatanggal ng video ay dulot lamang ng isang "technical problem" at hindi dahil sa pambabatikos. Ngunit para sa marami, tila may malaking kinalaman ang malawakang negatibong reaksyon ng publiko sa biglaang pagkawala ng panayam sa kanilang YouTube channel.
No comments:
Post a Comment