Sylvia Sanchez, excited sa pagdating ng unang apo

 


Si Sylvia Sanchez ay nagpasalamat at masayang ibinalita ang nalalapit na pagdating ng kanyang unang apo. Ayon sa kanya, malapit nang manganak ang kanyang anak na si Ria Atayde, at hindi na makapaghintay ang aktres na makilala ang kanyang apo. 

Photo: Sylvia/IG


Sa isang panayam, ibinahagi ni Sylvia ang kanyang saya sa bawat araw na nagte-text siya kay Ria, "Buntis, lalabas na ba ang little boss ko?" Ayon kay Ria, kalma lang daw at anytime na ay puwedeng manganak.


Ang magiging anak ni Ria at Zanjoe Marudo ang magiging kauna-unahang apo ni Sylvia, kaya't labis ang kanyang ligaya sa tuwing nakikita ang mag-asawa na nagsusupurtahan sa kanilang pagbubuntis. Binanggit pa ni Sylvia na bibilhan niya ang kanyang apo ng sapatos na binili niya sa France. Ayon pa sa kanya, ang mga sapatos na iyon ay magiging espesyal na alaala para sa kanyang unang apo.


Nitong nakaraang Hunyo, ipinahayag ni Ria ang kanyang pagbubuntis sa social media, at nitong Hulyo, nagdaos sila ni Zanjoe ng gender reveal party kung saan inanunsyo nilang magiging baby boy ang kanilang anak. Ang mag-asawa ay ikinasal noong Marso sa isang simpleng seremonya sa Quezon City, sa kaarawan ni Ria.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts