Suzette Doctolero, Binatikos ang Senado sa Pagdinig ng Sexual Harassment Allegations kay Sandro Muhlach

 



Nagbigay ng kanyang opinyon si GMA7 headwriter at creative consultant Suzette Doctolero tungkol sa kasalukuyang pagdinig sa Senado kaugnay ng mga alegasyon ng pang-aabuso na kinasasangkutan ng aktor na si Sandro Muhlach. 

Photo: Suzette/FB


Sa kanyang Facebook post, idinulog ni Suzette ang kanyang saloobin tungkol sa umano’y di-pantay na pagtrato ng hustisya sa mga kaso.


Ayon kay Suzette, tila ginagawang korte ang Senado, lalo na ng ilang senador, sa imbestigasyong ito. Partikular na tinukoy niya si Senator Jinggoy Estrada, na pinilit daw si Sandro Muhlach na magsalita at si Jojo Nones, na isa sa mga akusado, na magbigay ng pahayag kahit paulit-ulit itong umiiwas upang hindi masangkot sa sarili.


Binatikos din ni Suzette ang pagkaka-detain ni Jojo Nones sa Senado ng walong araw dahil umano sa hindi pagbigay ng kasagutan na nais marinig ng senador. Para sa kanya, tila hindi na ginagampanan ng mga senador ang kanilang tunay na trabaho at mas pinipiling makialam sa mga kasong dapat ay hinahawakan na ng korte.


Ibinahagi rin ni Suzette ang kanyang pagkabahala sa umano’y hindi patas na pagtrato sa mga akusado, partikular na kay Jojo Nones. Sa huli, tinanong niya si Senator Jinggoy kung bakit tila sumasobra na ito sa kanyang tungkulin bilang senador.


Samantala, ang naturang post ni Suzette ay nabura na.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts