Patuloy na umiikot ang balita tungkol sa rumored sweethearts na sina Richard Gutierrez at Barbie Imperial matapos silang makita na magkasamang nagtatanghalian sa isang Filipino restaurant sa Rome, Italy. Ayon sa post ng Manila Restaurant, pinasalamatan nila ang dalawa sa pagbisita at sa kanilang "quick lunch" sa establisimyento. Sa kabila ng pagsisikap na panatilihing lowkey ang kanilang pagsasama, hindi naiwasan ng mga netizens na mapansin ang sweetness ng dalawa.
Photo: Richard and Barbie/IG
Nasa Rome si Richard para sa taping ng upcoming series na "Incognito" kasama si Daniel Padilla, ngunit tila hindi ito naging hadlang para mag-spend ng oras kasama si Barbie. Hindi man direktang inaamin ng dalawa ang tunay na estado ng kanilang relasyon, maraming netizens ang kumbinsidong may espesyal na namamagitan sa kanila. Kasama na rito ang kanilang public appearances noong 26th birthday party ni Barbie noong Agosto at ang burol ng sister-in-law ni Richard na si Alexa Gutierrez, kung saan si Barbie ay nakitang kasama ang pamilya ng aktor.
Matagal nang umuugong ang balitang hiwalay na si Richard sa asawang si Sarah Lahbati, lalo na’t isang buwan nang naninirahan si Richard sa bahay ng kanyang ina na si Annabelle Rama sa Quezon City, ayon sa mga naunang pahayag ni Annabelle noong Disyembre 2023. Habang patuloy ang usap-usapan, nakatutok ang mata ng publiko sa rumored couple at sa kanilang sunud-sunod na sightings sa iba't ibang bahagi ng mundo.
No comments:
Post a Comment