Quiboloy, Ikukumpara Diumano sa Hirap ni Hesus

 


Mainit na usapin sa social media ngayon ang mga post kung saan ikinukumpara ng ilang netizens ang pinagdadaanan ni Pastor Apollo Quiboloy sa hirap na dinanas ni Hesus bago ipako sa krus. Ayon sa isang netizen, tila nauulit daw ang mga pangyayari kay Hesus sa katauhan ng pastor, na nagdulot ng samu’t saring reaksyon mula sa online community.

Photo: Quiboloy/FB

Habang may mga naniniwala sa naturang paghahambing, marami naman ang hindi sumasang-ayon at mariing binabatikos ang ideya. Ayon sa ilang netizens, malayong-malayo umano si Quiboloy kay Hesus, lalo na’t inakusahan ang pastor ng seryosong mga krimen tulad ng rape, child abuse, at human trafficking. Isa sa mga pinaka-mariing tutol ay ang manunulat na si Jerry Gracio, na tinawag na "delulu" o delusyonal ang mga nagkukumpara kay Quiboloy kay Hesus.


Ani Gracio, “Si Jesus, hindi inakusahang nang-rape! Idilat nga ninyo ang mga mata n’yo, mga delulu!” Dagdag pa niya, kung gusto raw talagang ulitin ang mga nangyari kay Kristo, ipako raw si Quiboloy sa krus at tingnan kung mabubuhay siyang muli.


**Pastor Apollo Quiboloy, Sumuko na sa Awtoridad**


Matapos ang ilang linggong pagtakas, kinumpirma ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos sa kanyang social media account na sumuko na si Pastor Apollo Quiboloy noong Setyembre 8. Naaresto ang pastor matapos ang ilang araw ng paghahanap ng mga awtoridad. 


Noong Agosto 24, humigit-kumulang 2,000 kapulisan ang nag-abang sa compound ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) sa Davao City para ihain ang arrest warrant laban kay Quiboloy. Ayon kay PNP Regional Office 11 Chief Brig. Gen. Nicolas Torre III, malaking kaginhawaan ang pagka-aresto ng pastor. “It’s a relief. Matutulog muna ako,” ani Torre.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts