Mura, Naglabas ng Sama ng Loob sa Mga Kapatid na Iniwan Siya Dahil sa Kakulangan sa Pera

 


Hindi naitago ng komedyanteng si Allan Padua, mas kilala bilang "Mura," ang kanyang hinanakit sa mga kapatid at kamag-anak matapos siyang iwanan nang mawalan siya ng pera. Sa isang panayam na ginawa ng isang content creator, ibinahagi ni Mura na noong kasagsagan ng kanyang karera at may pera pa siya, maganda ang pakikitungo sa kanya ng kanyang pamilya. 

Photo: Mura/FB


Ngunit, matapos humina ang kanyang karera at dumaan siya sa matinding pagsubok, tila iniwan na siya ng mga dating sumusuporta sa kanya.


Ayon kay Mura, ramdam niya ang malamig na pagtrato mula sa kanyang mga kapatid at ama, na hindi man lang siya tinulungan sa oras ng pangangailangan. Sa kanyang pahayag, sinabi niya, “Yung mga kapatid ko, pinabayaan na ako. Yung ganitong sitwasyon ko. Pati papa ko, ganon, kaming dalawa ni Papa, pinabayaan nila.” Ipinahayag ni Mura ang bigat ng loob niya dahil sa tila pagkakalimutan ng kanyang pamilya sa kabila ng kanyang paghihirap.


Ipinakita rin ni Mura ang hindi pa natatapos na bahay na ipinapagawa sana niya para sa kanya at sa kanyang ama, ngunit dahil sa kakulangan sa pera, hindi ito natuloy. Sa kabila ng kanyang kalagayan, patuloy siyang umaasa na muling makakabangon sa tulong ng mga mabubuting tao na handang tumulong sa kanya.

No comments:

Post a Comment