Mark Andrew Yulo, Nagbiro Tungkol kay Carlos Yulo sa Isang Viral Live Video: sayang umano ang semilya niya kay Carlos



Viral ngayon sa social media ang isang live video ni Mark Andrew Yulo, ama ng two-time Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, kung saan pabirong nagkomento si Mark tungkol sa kanyang anak.

Photo: Mark/FB

 Aktibo na ngayon si Mark Andrew sa social media, at madalas itong nagla-live sa kanyang account, na may mahigit 40k followers na sa kasalukuyan. Sa isang live video noong September 6, nagbigay si Mark Andrew ng pabirong sagot sa isang viewer na nagsabing malapit lamang siya sa condo unit na tinutuluyan ni Carlos sa Taguig City. Sinabi ni Mark, "Pakibatukan nga si Caloy diyan. Malapit ka pala sa condo niya. Pakibatukan nga si Caloy diyan kapag nakita mo."


Nang tanungin siya ng isang viewer kung ginagatasan nila ang kanilang anak, pabirong sumagot si Mark, "Paano ko ginatasan? Baka ako ang ginatasan ni Caloy. Kinuha niya yung semilya ko tapos ginanyan lang niya kami?" Matapos ito, nilinaw ni Mark na nagbibiro lamang siya.


Mark Andrew Yulo, Pinagsabihan ang Anak na si Carlos


Bukod sa kanyang mga biro, napag-alaman din na pinagsabihan ni Mark Andrew ang kanyang anak tungkol sa isyu nilang magpamilya. Sa isang positibong post ni Carlos tungkol sa kanyang biyahe sa Paris, nagkomento si Mark Andrew, na nagsabing masaya siya sa narating ng kanyang anak ngunit pinayuhan niya itong mag-sorry sa kanyang ina matapos niyang tawaging magnanakaw ito.


Ang naging komento ni Mark Andrew ay nagdulot ng iba't-ibang reaksyon mula sa netizens. Ang ilan ay sumang-ayon sa kanya, na sinasabing kahit anong mangyari, magulang pa rin si Angelica Yulo at nararapat itong igalang. Mayroon din namang kumampi kay Carlos, na nagsasabing may mga pagkakataon na hindi nila alam ang buong kwento, kaya't hindi dapat agad-agad humusga.


Sa kabila ng lahat, patuloy ang pagiging mainit na usapin ng relasyon ng pamilya Yulo sa social media, at marami ang nag-aabang sa magiging resulta ng kanilang mga desisyon at aksyon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts