Maris Racal, ibinahagi ang gown na para sana sa Toronto International Film Festival

 


Ibinahagi ni Maris Racal ang larawan ng gown na dapat sana niyang isuot sa Toronto International Film Festival (TIFF) kung saan nag-premiere ang kanyang pinakabagong pelikula na "Sunshine." Bagaman hindi siya nakarating sa TIFF dahil sa conflict sa kanyang schedule para sa bagong serye na "Incognito," ipinagmamalaki pa rin ni Maris ang gown na ginawa ng designer na si March Rancy sa kanyang social media. 

Photo: Maris/IG


Ayon sa kanya, "The dress I was supposed to wear for Toronto International Film Festival 2024. Thank you to mama @marcrancy for this gown!" Ibinahagi rin niya ang kanyang kasiyahan na makikita ang pelikulang "Sunshine" na magpapalabas sa iba't ibang panig ng mundo. "Excited na ako umikot ang pelikulang Sunshine sa buong mundo! At sana mapalabas na to sa Pilipinas soon!" sabi ni Maris.


Agad namang nagbigay ng kanilang pagbati ang mga tagahanga online. "Congrats. You're not only talented but beautiful as well. Please isuot mo sa premier night ng Sunshine sa Pinas," sabi ng isang fan. Ayon kay Maris, hindi siya makapaniwala na natapos nila ang pelikula pagkatapos ng halos isang taon, at labis ang kanyang paggalang sa lahat ng sumuporta sa proyektong ito.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts