Liza Diño, Sinorpresa si Ice Seguerra sa Kanyang 41st Birthday ng Pangarap na Regalo: 'Yes, I'm Finally Giving In'

 


Ipinagdiwang ni Ice Seguerra ang kanyang ika-41 kaarawan noong Setyembre 17, at hindi niya inaasahan ang matatamis na sorpresa mula sa kanyang partner na si Liza Diño. Sa social media, ibinahagi ni Liza ang kanyang espesyal na regalo kay Ice—isang matagal nang pangarap ng singer-songwriter na motorsiklo, na ipinagkaloob sa kanilang ika-10 anibersaryo bilang mag-partner.

Photo: Ice/IG

"Happy birthday, my love! Takot pa rin ako but deserve mo 'to. Basta promise mo dito-dito lang. Mga hanggang Tomas Morato lang. Hehe. Lab yu!" ani Liza sa kanyang post. Kasabay nito, in-upload niya ang video na nagpapakita ng motorsiklo, isang beige-colored bike, na siya ang naging pinakahihintay na regalo ni Ice.

Sa video, makikita si Liza sa isang motorcycle shop at tinuturo ang motorsiklo. "Happy birthday, Love. On your birthday, I know I made a promise... finally, on our tenth year, I’m giving in. Happy birthday! Kinakabahan ako pero ang ganda-ganda niya. Baka ako pa ang gumamit nito," pabirong sinabi ni Liza.


Sa kabilang banda, binahagi rin ni Ice ang kanyang reaksyon habang pumasok siya sa shop, kung saan pinrank siya ni Liza ng isang mini-bike bago ipakita ang tunay na motorsiklo. "Hindi lahat ng surprise, nakakatuwa," ani Ice sa kanyang post na may halong biro.


Bukod sa motorsiklo, binigyan din ni Liza si Ice ng isang tula, na naglalarawan ng kanilang sampung taong pagmamahalan. Sa tula, ibinahagi ni Liza kung paano siya patuloy na "kinikilig" sa bawat kilos ni Ice, malaki man o maliit, at hangad na tumagal pa ang kanilang pagmamahalan.


Marami sa kanilang celebrity friends tulad nina Ryan Agoncillo, Candy Pangilinan, at Sylvia Sanchez ang nagpaabot ng pagbati kay Ice sa kanyang espesyal na araw, kasama ang mga malalapit nilang kaibigan at tagahanga.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts