Ibinahagi ni Kris Aquino ang pinakabagong update tungkol sa kanyang kalusugan, kasabay ng kanyang planong bumalik sa Pilipinas bago matapos ang taon. Matatandaang umalis si Kris papuntang Estados Unidos dalawang taon na ang nakalipas upang doon magpagamot matapos ma-diagnose ng maraming sakit.
Photo: Kris/IG
Sa kanyang Instagram post noong Setyembre 12, sinabi ni Kris, “I choose to be 100% honest. Dumating ako dito sa US na may 3 diagnosed autoimmune conditions, at noong Hunyo ng 2022 ay kinumpirma ang ika-4 na sakit. Ngayong 2024, dinagdagan ng 5th at 6th diagnosis: SLE/Lupus at Rheumatoid Arthritis. Naghihintay pa kami ng resulta para sa dalawa pang autoimmune conditions.”
Ipinaliwanag din ni Kris ang kanyang dahilan sa pagbabalik ng Pilipinas, at ang matindi niyang laban upang protektahan ang kanyang kalusugan. “Kailangan kong umuwi dahil magsisimula na ako ng second round ng immunosuppressant infusions sa loob ng 2-3 linggo. Emotionally, kailangan ko ang suporta ng pamilya at malalapit na kaibigan. Ang dating laban upang mapabuti ang kalusugan ko ay ngayon ay laban para protektahan ang aking vital organs. This is now the FIGHT OF MY LIFE.”
Nagpasalamat si Kris sa kanyang mga tagasuporta at mga doktor sa Amerika, kasama ang kanyang anak na si Bimby, na patuloy na nagbibigay lakas sa kanya.
No comments:
Post a Comment