Kris Aquino, Ligtas na Nakabalik sa Pilipinas

 



Matapos ang halos dalawang taon, nakabalik na sa Pilipinas si Kris Aquino, kilala bilang "Queen of All Media," ngayong araw, Setyembre 13. Kinumpirma ito sa mga Instagram post ng kanyang mga kasama, na ikinatuwa ng kanyang mga tagahanga.

Photo: Kris/X


Si Kris ay sumailalim sa sunod-sunod na gamutan para sa kanyang autoimmune diseases, dahilan kung bakit matagal siyang nanatili sa ibang bansa. Kasama sa kanyang entourage ang Filipino fashion designer na si Michael Leyva, mga doktor, at ilang malalapit na kaibigan.


Nagpahayag ng kasiyahan ang kanyang mga tagasuporta at patuloy na nagdarasal para sa kanyang tuluyang paggaling. Ayon sa mga tagahanga, "Welcome back Ms. Kris. You're always included in our prayers."


Sa isang naunang post, ibinahagi ni Kris na bumalik siya sa bansa upang simulan ang kanyang pangalawang immunosuppressant infusion. Dagdag pa niya, "This is now the FIGHT OF MY LIFE," dahil sa patuloy na laban upang protektahan ang kanyang mga vital organs.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts