Nalagay diumano sa alanganin ang Kapuso actor na si Ken Chan matapos itong malubog sa utang, diumano'y dahil sa kanyang karelasyon.
Photo: Ken Chan/FB
Ayon sa ulat ng talent manager at vlogger na si Ogie Diaz, nagsimula diumano nang magbenta ng kanyang mga ari-arian si Ken upang makapagbayad ng mga utang na nag-ugat sa isang scam na diumano'y kinasasangkutan nito.
Sa vlog ni Ogie Diaz, ibinahagi niya na si Ken ay nasampahan na diumano ng kasong estafa ng kanyang mga naging business partners. Ang sitwasyon ay mas lumala diumano pa dahil sa diumano'y involvement ng karelasyon ni Ken sa negosyo na nagdulot ng financial problems, dahilan upang diumano'y hindi maibalik ang in-invest na pera ng kanilang mga kasosyo.
Ayon sa ulat, piniling magbenta diumano ni Ken ng ilang kagamitan at ari-arian bilang hakbang upang mabayaran ang kanyang mga obligasyon. Ipinapakita diumano nito ang kanyang intensyon na hindi takasan ang responsibilidad. Bagama’t walang opisyal na pahayag mula kay Ken hinggil sa isyu, inaasahang uuwi diumano siya sa Pilipinas upang harapin ang kasong syndicated estafa na isinampa laban sa kanya ng mga nasabing business partners.
No comments:
Post a Comment