Karylle, Hindi Hinarap ang ‘Kalokalike’ ni Marian Rivera sa It’s Showtime



Napansin ng mga mapanuring netizens ang kawalan ni Karylle sa "Kalokalike" segment ng *It’s Showtime* kung saan lumabas ang isang Marian Rivera look-alike na si Pattie, na kinilala bilang "Marian Rivera ng Cavite." Habang ini-interview ng iba pang hosts ng show ang kalokalike, kapansin-pansin ang hindi pagdalo ni Karylle.


Photo: It's Showtime/YT




Marami sa mga netizens ang naniniwala na may kinalaman ang hindi pagharap ni Karylle sa kaniyang nakaraan kay Marian Rivera. Matatandaang noong 2008, naging usap-usapan ang paghiwalay nina Karylle at Dingdong Dantes, na umano'y nag-ugat sa pagkakalapit ni Dingdong kay Marian, na noon ay co-star niya sa *Marimar*.


Sa isang panayam, sinabi ni Karylle na maraming dahilan ang naging sanhi ng kanilang hiwalayan, ngunit hindi niya ito idinetalye. "Well, for me there were many reasons that can’t be summed up in just one statement... It’s only the two of us who know everything," ani Karylle.


Nang tanungin kung niloko siya ni Dingdong, sagot ni Karylle, "I trusted him."


Huling nakita si Karylle na nagkasalubong sina Dingdong at Marian noong 2018.



No comments:

Post a Comment

Popular Posts