Isiniwalat ni Atty. Topacio ang kanyang plano na gumawa ng pelikula tungkol sa kontrobersyal na pinuno ng Kingdom of Jesus Christ (KOJC) na si Apollo Quiboloy, at nais niyang si John Lloyd Cruz ang gumanap sa pangunahing papel. Bagama't hindi pa kumpirmado kung tatanggapin ni John Lloyd ang proyekto, sinabi ni Atty. Topacio na gusto muna ng aktor na mabasa ang script bago magdesisyon.
Photo: Balita, Philstar (Edited Photo)
Bukod sa isyung ito, nilinaw din ni Atty. Topacio ang kanyang mga naunang pahayag ukol sa pelikula ni Vice Ganda na *"And the Breadwinner is..."* na kasali sa Metro Manila Film Festival (MMFF) 2024. Aniya, walang problema sa kanya ang pelikula ni Vice Ganda, ngunit napansin niya ang pagkakahawig nito sa pelikulang *"Higit Sa Lahat"* noong 1995. Hindi raw niya hinihingi na i-disqualify ang pelikula, kundi bigyang pagkilala ang orihinal na ideya.
Dagdag pa ni Atty. Topacio, ang kanyang pelikulang *"Gringo Honasan Story"* ay hindi na sasali sa MMFF 2024 dahil sa abalang iskedyul ni Sen. Robin Padilla, na dapat gaganap bilang Honasan. Inuna ni Padilla ang kanyang mga tungkulin bilang senador, kaya’t hindi na nila natapos ang proyekto para sa festival.
No comments:
Post a Comment