James Reid on a JaDine Comeback: 'I Don’t Think That’s Happening'

 

Sa darating na 2025, handa na muling sumabak si James Reid sa pag-arte matapos ang ilang taon ng pagtutok sa kanyang musika. Sa isang panayam kay Ogie Diaz, ibinahagi ni James na plano niyang bumalik sa kanyang acting career at sabik na siyang muling ipakita ang kanyang talento sa harap ng kamera. 

Photo: James and Kath/FB

Gayunpaman, nang tanungin kung may tsansang bumalik ang tambalan nila ni Nadine Lustre bilang JaDine, malinaw ang kanyang sagot—wala na siyang plano na muling gumawa ng love team. Paliwanag niya, malaking bagay ang respeto sa kanyang kasalukuyang nobya, si Issa Pressman, kaya’t hindi na niya ito gagawin.


Aminado si James na kahit patuloy pa rin ang suporta mula sa kanilang mga JaDine fans, mas pinipili niyang magpatuloy sa ibang landas. Aniya, mahalaga para sa kanya na magkaroon ng malinaw na paghihiwalay ng showbiz at realidad, lalo na sa usapin ng mga love team. “Masaya naman na kaming dalawa ni Nadine, at sana ay makapag-move on na ang mga fans,” dagdag niya. Bagama’t naging mabigat ang taon para kay James dahil sa pambabash, umaasa siyang maghilom na ang isyu at magkaroon ng kapayapaan.


Sa kabila ng lahat, nananatiling magkaibigan sina James at Nadine. Inalala ni James ang kanilang tagumpay bilang tambalan, mula sa pelikulang *Diary ng Panget* noong 2014 hanggang sa huling proyekto nila na *Never Not Love You* at TV series na *Till I Met You*. Bagama’t sarado na ang kabanata ng kanilang tambalan, positibo si James na may mas maliwanag pang mga oportunidad na naghihintay sa kanya bilang aktor.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts