Isang Breadwinner, Diumano'y Naglabas ng Sama ng Loob sa Pamilya Dahil sa Reklamo sa Ibinigay na Grocery na Halagang Php6K

 


Isang netizen ang diumano'y trending ngayon sa social media matapos niyang ilabas ang kanyang hinanakit sa pamilya. Sa nasabing video, makikitang umiiyak ang breadwinner habang inilalahad ang kanyang sama ng loob dahil hindi diumano’t ‘thankful’ ang kanyang pamilya sa grocery items na kanyang ipinagkaloob na nagkakahalaga ng Php6K. Sa halip na makatanggap ng pasasalamat, reklamo diumano ang natanggap niya.

Photo: User/FB

Ayon sa netizen, bumili diumano siya ng mga pangunahing pangangailangan bilang pasalubong para sa kanyang pamilya, ngunit ikinagulat niya na sa halip na ma-appreciate ang kanyang effort, nakarinig siya ng mga negatibong komento ukol sa mga biniling items. Dagdag pa niya, malaki na diumano ang Php6K para sa kanya, pera na sana'y maaari niyang gamitin sa pagbili ng isang sapatos na matagal na niyang pinapangarap—ang Puma Palermo. Habang nagpapahayag ng kanyang nararamdaman, hindi diumano niya napigilang umiyak dahil sa kabigatan ng sitwasyong kanyang kinakaharap.





Sa kabila ng nararamdamang sama ng loob, inamin ng netizen na hindi pa rin diumano niya magawang magalit sa kanyang pamilya. Aniya, marahil ay namana rin niya ang kanyang pagiging pasensyoso mula sa kanyang mga magulang. Samantala, ang video ay umani ng iba’t ibang reaksyon mula sa mga netizens, kung saan ilan ay nagsasabing mas mabuting hindi na inilabas sa social media ang ganitong uri ng isyu, dahil posibleng magdulot pa ito ng mas malalim na hidwaan sa pamilya.


Narito ang link ng video.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts