Heart Evangelista’s Bag Worth Almost Php 16M, Nasa Sahig Lang!

 




Usap-usapan ngayon ng mga netizens ang isang post ni Heart Evangelista kung saan makikitang nakapatong lamang sa sahig ang kanyang mamahaling Himalayan white crocodile Hermès Kelly bag. Ang naturang bag ay may market value na umaabot mula $185,000 USD hanggang $295,000 USD, o katumbas ng humigit-kumulang Php 16 milyon.

Photo: Heart/IG

Sa caption ng kanyang larawan, sumulat si Heart: “Where to now, busy girl? 🪞 @ysl @hermes.” Maraming netizens ang agad nagbahagi ng kanilang reaksyon sa social media, at hindi naiwasang mapansin ang presyo ng bag na nasa sahig lang.


Narito ang ilang komento ng mga netizens:


– “Pag nagawa ko rin yan masasabi ko na ‘mom I made it.’”

– “Yung Hermes!!! Hahaha. Grabe ikaw na talaga idol. Kaya ka inaabangan nang lahat, even kapwa mo celebrity or fashion enthusiasts!”

– “Hermès on the floor.”

– “Setting the bar so high, miski sa shoes and bags. ❤️ Others could never.”


Talagang pinatunayan ni Heart na siya ay isa sa mga pinaka-iconic na fashion icons sa bansa, na kahit ang kanyang mamahaling gamit ay walang kahirap-hirap niyang ginagamit sa kanyang pang-araw-araw na buhay.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts