Gigi de Lana, Sinisisi ang Sarili sa Pagkamatay ng Ina

 



Hindi napigilan ng singer-actress na si Gigi de Lana ang kanyang emosyon habang inalala ang huling sandali ng kanyang ina, si Imelda, na pumanaw nitong taon matapos ang mahabang laban sa breast cancer. Sa isang panayam kay Toni Gonzaga, inamin ni Gigi na sinisisi pa rin niya ang sarili sa pagkamatay ng kanyang ina.

Photo: Tony Talks/YT


Ibinahagi ni Gigi ang sakit na nararamdaman niya, lalo na't wala siya sa tabi ng kanyang ina nang ito ay pumanaw habang siya ay nasa North America para sa isang concert. Ikinuwento rin niya kung paano siya nagdasal na matapos na ang paghihirap ng kanyang ina habang naka-video call sila.


Naging emosyonal si Gigi at inamin na sinisisi niya ang sarili dahil sa pakiramdam niyang hindi niya nagawa ang lahat para mapagamot ang ina, lalo na't walang sapat na pera noon. Sa kabila ng kanyang kalungkutan, nagpapasalamat si Gigi na natapos na ang paghihirap ng kanyang ina matapos ang anim na taong pakikipaglaban sa sakit.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts