Food Server Tinanggal Diumano sa Trabaho Matapos Mahuli na Pinapakain ang Ligaw na Aso

 



Viral ngayon sa social media ang kwento ng isang food server na si Ian Vhal A. Sardia na diumano’y tinanggal sa trabaho matapos mahuli ng supervisor na nagpapakain ng ligaw na aso sa labas ng restaurant. 

Photo: User/FB


Ayon kay Sardia, hindi niya napigilan ang awa sa aspin kaya pinakain niya ito tuwing breaktime. Ang nasabing insidente ay diumano’y na-upload sa kanyang Facebook page na "Baldawgs," at nakita ng supervisor, na agad siyang nireport sa opisina ng restaurant.


Matapos ang insidente, diumano’y pinatawag si Sardia ng human resources (HR) department ng kumpanya at inutusan na gumawa ng isang handwritten explanation letter. Kasama nito ay may ipinapirma raw na dokumento na labag diumano sa kanyang kagustuhan. Nang tumanggi siyang pumirma, diumano’y nagalit ang HR at nagtawag pa ng ibang empleyado para harangan ang pintuan ng restaurant upang hindi siya makalabas. Ang karanasang ito ay nagdulot kay Sardia ng labis na takot at trauma.


Kalaunan, nalaman na lamang ni Sardia na opisyal na siyang tinanggal sa trabaho ng restaurant na “Goto Tendon” dahil diumano sa “disrespect at unsanitary” na dahilan. Sa kabila ng kanyang pagkakatanggal, nagpahayag si Sardia sa isang Facebook reels ng pasasalamat sa kanyang naging employer sa loob ng limang taon. Bagamat nasaktan sa pagkawala ng trabaho, ipinagpatuloy pa rin niya ang kanyang pagmamahal at pag-aaruga sa mga ligaw na aso at pusa. Diumano’y labis ang galit at dismaya ng mga netizens sa pangyayaring ito, at marami ang nagpanukala na i-boycott ang restaurant o ireklamo ito sa Department of Labor and Employment (DOLE).


No comments:

Post a Comment