Erwan Heussaff sinagot ang mga tsismis ng hiwalayan nila ni Anne Curtis

 


Nitong mga nakaraang araw, naging usap-usapan sa social media ang diumano'y hiwalayan ng celebrity chef na si Erwan Heussaff at ng kanyang asawang si Anne Curtis. 

Photo: Erwan and Anne/FB


Ang mga tsismis tungkol sa kanilang paghihiwalay ay nagsimula nang kumalat ang isang blind item tungkol sa isang aktres at isang sikat na personalidad na hindi taga-showbiz na naghiwalay na raw.


Dagdag pa rito, napansin ng mga netizens na wala si Erwan sa mga larawang ipinost ni Anne mula sa kanilang bakasyon sa Australia kasama ang pamilya niya. Mas lalong lumakas ang haka-haka nang mapansin ng netizens na sa isang video ni Erwan kung saan siya nagluluto ng chicken cordon bleu, hindi suot ni Erwan ang kanyang wedding ring.


Isa sa mga nagkomento sa video ni Erwan ang nagsabing, "He is no longer wearing the wedding ring."


Agad naman itong sinagot ni Erwan ng, "[L]ol, you shouldn’t believe news from random accounts on Facebook."


Sa kabila ng mga haka-haka at tsismis, malinaw na ipinahayag ni Erwan na walang katotohanan ang mga balitang ito at pinaalalahanan ang mga netizens na huwag basta maniwala sa mga balitang nagmumula sa kung saan-saan.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts