Elizabeth Oropesa, Binanatan si Carlos Yulo sa Isang TikTok Video

 




Sa isang viral TikTok video, matapang na naglabas ng saloobin ang beteranang aktres na si Elizabeth Oropesa patungkol sa umano’y hindi magandang pakikitungo ni Carlos Yulo sa kanyang ina, si Angelica Yulo. Ayon sa aktres, mali raw ang pagtrato ni Carlos sa kanyang ina, at ito ang naging dahilan ng kanyang matinding mensahe para sa two-time Olympic gold medalist.

Photo: Elizabeth/FB


"Wala akong pakialam sa girlfriend niya, kung sino man 'yun. Pero bilang anak, mali ang trato niya sa kanyang ina. Hindi responsibilidad ang pagtulong sa magulang, ito'y dapat nagmumula sa puso, lalo na kung nanay mo ang pinag-uusapan," ani Elizabeth. Pinaalalahanan din niya si Carlos na ang kanyang tagumpay bilang atleta ay hindi lamang dahil sa kanyang kasanayan, kundi dahil din sa pagkakakilanlan niya mula sa kanyang ina.


Dagdag pa ni Elizabeth, "Hihiyain mo ang nanay mo, tatawagin mong magnanakaw? Tandaan mo, iyong mga cells mo galing sa ina mo. Siya ang dahilan kung bakit ka magaling na atleta, kaya lang, may problema sa asal mo." Sinabi pa ng aktres na hindi dapat binabastos ang ina, anuman ang kasalanan nito, at ipinaalala kay Carlos ang halaga ng pagkilala at pagrespeto sa pinagmulan.

1 comment:

  1. Mabuti alam mo wala kang paki alam pero nakialam ka rin. Dahil ba kulang ka sa pansin dahil laos ka na?

    ReplyDelete