Doc Willie Ong, Sinusubok ng Sarcoma at Neutropenic Sepsis, Patuloy na Lumalaban!

 





Dumaranas ng matinding pagsubok si Doc Willie Ong matapos ibalita sa kanyang mga tagasunod na siya ay may sarcoma, isang uri ng cancer. Ang kanyang bukol ay umabot na sa 16cm at kasalukuyan siyang sumasailalim sa chemotherapy. 

Photo: Doc Ong/FB

Gayunpaman, sa isang bagong update, isiniwalat ni Doc Willie na nagkaroon pa siya ng panibagong sakit—ang Neutropenic sepsis, kung saan bumagsak ang kanyang white blood cells sa 0.36. Dahil dito, nakaranas siya ng lagnat, panginginig, pagbaba ng blood pressure, pagtaas ng heart rate, at matinding hirap sa katawan.


Patuloy na nagpapagamot si Doc Willie sa kabila ng mga side effects ng kanyang therapy, tulad ng metallic taste, edema, pagkalagas ng buhok, at iba pa. Ibinahagi niya ang kanyang matinding pinagdadaanan sa isang video, kung saan makikitang hirap na siyang lumunok ng tubig, huminga, at magsalita. Gayunpaman, ipinakita pa rin niya ang kanyang determinasyon na makatulong sa iba at maging inspirasyon sa mga kapwa pasyente na lumalaban din sa cancer.


Sa kabila ng kanyang kalagayan, patuloy siyang naninindigan laban sa katiwalian sa gobyerno, at nanawagan siya sa mga Pilipino na pumili ng mga pinunong may malasakit sa mahihirap. Ibinahagi rin niya na pinapayagan niya ang mga eksperto na gawing case study ang kanyang kalagayan para makatulong sa medical field. Sa kanyang hiwalay na post, pinaalalahanan din niya ang kanyang mga followers na mag-ingat sa mga pekeng ads na gumagamit ng kanilang mga larawan ni Doc Liza, na gawa lamang ng artificial intelligence (AI).


No comments:

Post a Comment