Doc Willie Ong, Nagbigay ng Bagong Update sa Kanyang Kalagayan

 

Patuloy ang paglaban ni Doc Willie Ong sa kanyang sakit na sarcoma, at kasalukuyan siyang sumasailalim sa matinding gamutan upang muling makabangon at makapaglingkod sa mga mamamayang Pilipino.

Photo: Doc Willie Ong/FB

Sa isang bagong update sa kanyang Facebook page, ibinahagi ni Ong na nasa ikalawang cycle na siya ng chemotherapy. Makikita sa larawan na halos kalbo na siya, na ayon sa kanya ay 98% na ng kanyang buhok ang nalagas. Sa loob ng tatlong linggo, muling isasagawa ang PET scan upang malaman ang progreso ng kanyang gamutan.


"2nd chemo cycle today. Lost 98% of my hair. Repeat PET scan in 3 weeks to see if have progress. Good or bad news. Only God knows. I love you all," saad ni Ong.


Kasabay nito, ipinahayag ni Ong ang kanyang taos-pusong pasasalamat sa mga kabataan, lalo na sa mga sumuporta sa kanya, at maging sa mga pumuna o tumuligsa noong siya ay tumakbo sa halalan noong 2022. Ayon sa kanya, ang mga pagtuligsa na kanyang natanggap ay hindi lamang nakaapekto sa kanyang mental health kundi sumasalamin din sa mga nararanasan ng maraming kabataan.


"I really love the younger generation no matter who you are and who you choose. TRULY, I love you AS YOU ARE. God loves you," dagdag niya. "I forgive you if you bashed me in the past."


Sa kabila ng kanyang karamdaman, patuloy pa rin si Doc Willie sa pagbabahagi ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa kalusugan. Sa kanyang pinakabagong video, pinabulaanan niya ang mga maling paniniwala na ang ilang mga gulay ay dapat iwasan dahil sa masamang epekto nito sa kalusugan. Kasama ang kanyang asawang si Doc Liza, ipinaliwanag nila ang mga benepisyo ng pagkain ng gulay upang mapanatili ang mabuting kalusugan.



No comments:

Post a Comment