Dindo Balares, Pinagtanggol si Bimby Aquino Mula sa Usap-usapang Sekswalidad: "STRAIGHT SI BIMB"

 



Sa gitna ng mga kumakalat na balitang pinagdududahan ang sekswalidad ni Bimby Aquino, matapang na ipinagtanggol siya ng malapit na kaibigan ng kanyang ina na si Kris Aquino, si Dindo Balares. 

Photo: Bimby/IG


Sa isang Instagram post, nilinaw ni Balares na walang katotohanan ang mga espekulasyon at fake news na kumakalat online. Ayon sa kanya, "straight si Bimb," at ang mga litrato na nagdulot ng ingay ay hindi talaga si Bimby kundi isang taong kahawig lamang ng binata.


Ibinahagi rin ni Balares na pati ang mga kaibigan niya sa entertainment media ay nagtatanong na rin tungkol sa isyu, dahil pati sila ay nalito sa kumakalat na larawan. Paliwanag niya, ang nasabing larawan ay mula sa isang engagement event ng isang masayang gay couple sa beach, at may taong kahawig ni Bimby sa built, eyeglasses, at hairstyle. Mabilis umanong ginagamit ng mga tao ang ganitong mga larawan para kumita sa social media sa pamamagitan ng fake news, at nakakalungkot na maraming nahuhulog sa ganitong patibong.


Sa mahabang post, binahagi ni Balares ang kanyang karanasan sa showbiz at kung paano siya natutong kumilatis ng "closet queen" mula sa tunay na lalaki. Sinabi niyang mataas ang kumpiyansa niya na "straight si Bimb," at binigyang-diin na hindi dapat basta maniwala ang publiko sa maling impormasyon.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts