Chloe San Jose May Patama sa Bashers sa Pagkontra ng Relasyon niya kay Carlos Yulo




Sa kabila ng kontrobersiyal na isyu ng hidwaan sa pamilya Yulo, ibinahagi ng nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose na hindi lamang pambabatikos ang natatanggap niya mula sa netizens. Ayon kay Chloe, masaya siyang malaman na may mga tao ring nagbibigay sa kanya ng suporta at inspirasyon sa gitna ng mga pagsubok.

Photo: Chloe/FB


Sa panayam ni Luis Manzano sa YouTube, inamin ni Chloe na dumaan siya sa maraming hindi magagandang komento kaugnay sa kanyang relasyon kay Carlos at sa isyu sa pamilya nito. "Ang hirap po pala," saad ni Chloe, ngunit nanindigan siyang manatiling totoo sa sarili. Dagdag pa niya, "I stayed true to myself and stayed authentic."


Sa kabila ng negatibong reaksyon ng iba, may mga netizens na nagbibigay sa kanya ng lakas ng loob. Marami raw ang nagmemensahe sa kanya sa Facebook at Instagram, nagpapasalamat dahil sa kanyang katatagan. "Thank you ate for being an inspiration na maging strong and maging totoo sa sarili," ayon sa ilang netizens. Ikinatuwa ito ni Chloe at idinagdag na nakakataba ng puso ang malaman na may mga nai-inspire sa kanyang ipinaglalaban ang sarili at katotohanan.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts