CEO ng Milo, Diumano'y Nagsalita Tungkol sa Pagtanggal kay Carlos Yulo Bilang Brand Ambassador

 

Nagsalita na diumano ang CEO ng Milo tungkol sa desisyon ng kanilang kompanya na tanggalin si Carlos Yulo bilang brand ambassador. Ayon sa kanya, ang tagumpay ay hindi lamang nasusukat sa mga medalya o premyo kundi sa mga pagpapahalaga gaya ng pagpapatawad, utang na loob, at pagiging makatao. Binibigyang-diin diumano ng Milo na higit sa mga karangalan, mahalaga ang tamang pag-uugali at mabuting pagkatao ng kanilang mga ambassador.

Photo: Yulo/FB


Ang pagtanggal diumano kay Carlos Yulo ay hindi dahil sa isyu ng pera o pagkabigo sa kanyang mga nagawa sa larangan ng gymnastics, kundi ito’y isang desisyon na may kinalaman sa karakter at reputasyon. Ipinahiwatig ng CEO na mahalaga para sa Milo na ang kanilang mga ambassadors ay sumasalamin sa mga positibong halaga at diwa ng sportsmanship. 


Pinalitan diumano si Yulo ni EJ Obiena, na kilala hindi lamang sa kanyang tagumpay sa pole vault kundi pati sa kanyang pagiging family-oriented at gentleman. Ayon pa sa CEO, ang desisyon na ito ay bahagi ng patuloy na layunin ng Milo na ipromote ang mga modelo ng mabuting asal sa kabataan at komunidad na kanilang tinutulungan.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts