Carlos Yulo: “Kung Hindi Ako Mabait na Tao, Hindi Ako Ibebless ni Lord ng Ganon”

 



Sa isang panayam, binigyang-diin ng world-class gymnast na si Carlos Yulo ang kanyang pananampalataya at pagkilala sa kabutihan bilang susi sa kanyang tagumpay. Sa harap ng mga hamon at tagumpay na kanyang naranasan, inamin ni Yulo na malaki ang naitulong ng kanyang paniniwala sa Diyos at sa pagiging mabuting tao.

Photo: Carlos/FB


"Kung hindi ako mabait na tao, hindi ako ibebless ni Lord ng ganon," ani Yulo, nang tinanong tungkol sa kanyang mga narating bilang atleta. Para kay Yulo, hindi lamang sa disiplina at pagsusumikap nakasalalay ang tagumpay kundi sa pagiging mabuti sa kapwa at paniniwala sa mga pagpapala ng Maykapal.


Sa kabila ng mga kontrobersyang kinakaharap, nananatiling matatag si Carlos sa kanyang pananampalataya. Ang kanyang determinasyon na maging mabuting tao ay nanatili sa gitna ng mga pagsubok, at pinaniniwalaan niyang ang kanyang mga tagumpay ay patunay ng biyaya at gabay mula sa Diyos.


No comments:

Post a Comment