Inamin ni Caloy na hindi siya ang nagdesisyon na magsuot ng croptop at boots na may high heels, kundi dahil sa pakiusap ng kanyang partner na si Chloe.
Photo: Caloy/FB
Ayon kay Caloy, bagama’t hindi niya nais magsuot ng ganoong kasuotan, sumunod siya dahil sinabi ni Chloe na bagay ito sa kanya. "Ngayon, pinagtatawanan tuloy ako online, pero that's okay, mahal ko naman yung tao," pahayag ni Caloy.
Samantala, may mga netizen na nagbigay ng kanilang opinyon sa fashion choice ni Caloy. Isa sa mga puna ay nagsasabing bagama’t sinusuportahan ang kalayaan ng mga lalaki at babae na magsuot ng anumang gusto nila, tila hindi bagay kay Caloy ang suot niyang croptop at high waist. "Ang baduy tingnan sa kanya, TBH," saad ng isang netizen.
Bagama’t umani ng mga kritisismo, nananatiling kampante si Caloy sa kanyang desisyon na suportahan si Chloe at hindi alintana ang mga negatibong reaksyon ng publiko.
No comments:
Post a Comment