Bahay ng Pamilya Yulo Ipinagbibili Para Maibalik ang Pera kay Carlos Yulo

 




Usap-usapan ngayon sa social media ang tungkol sa desisyon ng pamilya Yulo na ipagbili ang kanilang bahay sa Imus, Cavite upang maibalik ang pera sa Olympic gymnast na si Carlos Yulo. 

Photo: Carlos/IG

Ang nasabing bahay, na naipundar ni Angelica Yulo, ina ni Carlos, mula sa perang napapanalunan ng kanyang anak, ay diumano’y ibinebenta upang maisauli nang buo ang pera kay Carlos.


Ang property, na may sukat na 50 square meters ang lot area at 100 square meters ang floor area, ay fully furnished na, kasama ang isang 55-inch television, refrigerator, split-type aircon, window-type aircon, at mga motor accessories at spare parts na nagkakahalaga ng PHP300,000. Ang nasabing bahay ay naging kontrobersyal dahil ito ang naging ugat ng hidwaan sa pagitan nina Carlos at Angelica, na nagsimula noong ginamit ni Angelica ang pera ni Carlos upang bayaran ang bahay nang walang pahintulot mula sa atleta.


Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Angelica na wala siyang ninakaw na pera mula kay Carlos, at ang lahat ng pera ay ginamit upang mabayaran nang buo ang bahay bilang isang investment para kay Carlos. Subalit, hindi naitago ni Carlos ang kanyang galit matapos niyang malaman ang tungkol dito, na nagresulta sa pagtawag niya sa kanyang ina na "magnanakaw." Dahil sa lumalalang sitwasyon, may plano rin diumano ang ama ni Carlos na si Mark Andrew Yulo na ibenta ang motorsiklong ibinigay sa kanya ng anak upang maibalik din ang pera kay Carlos.

No comments:

Post a Comment