Angelica Yulo Muling nag Live Selling dahil sa Hirap ng Buhay! Anak na si Carlos Yulo Walang Pakialam?

 




Angelica Yulo, Biktima ng Joyjoy Miner at Bugos Buyer, Pero Sold Out pa rin ang Paninda!


Muling humarap sa live selling si Angelica Yulo, kilala bilang "Mommy Angge," upang ibenta ang ilan sa mga damit na unang mine ng mga buyers noong nakaraang live. Sa kasamaang-palad, naloko raw siya ng ilang "Joyjoy miner" at "bugos buyer" na hindi nagpatuloy sa pagbili matapos magmine. 



Ayon kay Mommy Angge, "This time po, ang ie-entertain namin ngayon is yung magbabayad agad, kasi ang hirap po... na stock yung mga t-shirts at pati puhunan po, na-stock na rin." Dahil dito, mas pinipili na niya ang mga buyers na willing magbayad muna bago ipadala ang mga produkto.


Sa kabila ng insidente, matagumpay pa rin ang kanyang live selling kahapon, kung saan na-sold out lahat ng kanyang mga panindang damit sa loob ng tatlong oras! Hindi rin nakalampas sa mga netizens ang pagkapanood ng kanyang anak, ang sikat na gymnast na si Carlos Yulo, sa kanyang live selling. Marami ang nagtanong kung hudyat na kaya ito ng pagkakaayos sa pagitan ni Carlos at ng kanyang pamilya.


Sa kabila ng mga pagsubok, patuloy ang pagtangkilik ng mga suki ni Mommy Angge, at umaasa ang marami na magiging tulay ito sa mas mabuting ugnayan ng pamilyang Yulo.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts