Angelica Yulo, Kwalipikado Umali sa Mrs. Philippines 2025, Ayon sa MPO President

 







Ayon kay Erika Joy Santos, presidente ng Mrs. Philippines Organization (MPO), kwalipikado umano si Mrs. Angelica Yulo, ina ng Olympic gold medalist na si Carlos Yulo, na sumali sa Mrs. Philippines 2025. Ito ay kinumpirma niya sa isang conference na nai-publish sa Facebook page ng *Pageant Talk*. Sa nasabing event, may reporter na nagtanong kay Santos kung puwedeng sumali si Mrs. Yulo sa pageant, at agad niyang sinagot na posible ito.

Photo: Angelica/FB


Dagdag pa ni Santos, bukas na makipag-usap kay Mrs. Yulo, at sinabing, "She’s very much welcome to join Mrs. Philippines 2025. Why not?" Naipahayag rin niya ang kagustuhang maging support system para kay Mrs. Yulo, kahit pa sa simpleng coffee meeting.


Nagpakita ng interes ang netizens sa posibilidad ng pagsali ni Mrs. Yulo sa nasabing patimpalak, lalo na't kilala siya bilang ina ng isang tanyag na atleta at may magandang imahe sa publiko.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts