Ibinahagi ni Andi Eigenmann sa kanyang social media account ang isang video ng kanyang 5 taong gulang na anak na si Lilo habang nag-susurf. Maraming netizens ang humanga sa husay ni Lilo sa murang edad, subalit may ilan ding nagkomento na dapat mas bigyan ng oras ni Lilo ang kanyang pag-aaral kaysa sa pag-susurf.
Photo: Andi/IG
Sa Instagram, nagpost si Andi ng video ni Lilo na may caption na:
“Ang aming 5 taong gulang na si Lilo ay patuloy na sumasalubong sa mas malalaking alon araw-araw. Palaging may ngiti kahit na may mga wipeouts.
Pinipili nilang simulan ang karamihan ng umaga nila sa ganitong paraan. Isang surf sesh, skate sesh, o simpleng paglakad sa labas kasama si papa at ang mga aso. Isang magandang paraan para ma-energize siya at magkaroon ng gana para sa mga kindergarten activities sa bahay pagkatapos.
PS Alam ko. Ilang beses ko pa kaya gagamitin ang mga tracks na ito hanggang sa tumanda si Lilo?! 😆 Sana marami pa akong kantang magamit paglabas ng pangalawang pelikula!”
Habang karamihan ay namangha sa talento ni Lilo, may ilang nagsabi na dapat mas tutukan ni Andi ang pag-aaral ng kanyang anak kaysa sa pagsu-surf. Sumagot naman si Andi sa mga komento at sinabi, “May nagsabi sa internet na dapat ilagay namin siya sa eskwelahan imbes na hayaan siyang mag-surf… ginagawa niya pareho, at magaling siya sa parehong aspeto, maraming salamat.”
No comments:
Post a Comment