Zeinab Harake, Labis na Nalungkot nang Magsabi si Lucas ng Problema sa Teacher: "Durog na durog ang puso ko"

 



Aminadong naiyak si Zeinab Harake nang malamang nagsabi ang kanyang anak na si Lucas ng kanyang problema sa teacher. Ayon kay Zeinab, hindi raw makapagsabi kanino man noon si Lucas ng kanyang problema kaya sa teacher ito nagkwento. Nang malaman ito ni Zeinab, labis umanong nadurog ang kanyang puso.

Photo: Zeinab/IG


"Parang may personal problem sa loob ng bahay, tapos si Lucas hindi niya masabi sa kahit kanino. Nagsabi siya sa teacher," ani Zeinab. "Ta's yung teacher ang nagsabi sa'kin. So 'nung time na 'yun. Grabe talaga 'yung puso ko, parang durog na durog," dagdag pa niya.


Matatandaang minsan nang napuri ni Zeinab ang kanyang panganay na si Lucas sa pagiging mabuting kuya nito kay Bia. Isa lamang ito sa mga pagkakataong labis siyang napaiyak dahil sa kanyang mga anak.


Naibahagi rin ni Zeinab sa naturang video kung paano niya inalmahan ang mga netizens na naaawa umano kay Lucas tuwing karga niya ang bunso nitong si Bia. "'Yung mga comment na halatang-halata na mas mahal si Bia kay Lucas. Kawawa naman si Lucas hindi nata-trato ng tama. Cut na po 'yan kasi hindi yan totoo," pakiusap niya. Aniya, walang sinoman ang may karapatang kwestyunin ang kanyang pagiging ina.


Gayunpaman, proud naman siya kay Lucas na nakikita niyang protective, mapagmahal, at malambing sa kanya gayundin sa bunsong kapatid nitong si Bia.


No comments:

Post a Comment

Popular Posts