Rendon Labador, Tinawag na Matigas ang Mukha ni Coco Martin Dahil sa Panggugulo sa Quiapo

 



Muling naglabas ng matapang na pahayag si Rendon Labador, isang kilalang motivational speaker at fitness coach, laban kay Coco Martin, bida at direktor ng teleseryeng *FPJ's Batang Quiapo*.

Photo: User/FB

 Inalmahan ni Labador ang umano’y perwisyong dulot ng pag-shoot ng serye sa Quiapo, na aniya’y nagdudulot ng abala sa mga vendors na naghahanapbuhay sa lugar. 


Mariing ipinunto ni Labador na hindi dapat binabalewala ni Coco Martin ang kabuhayan ng mga vendors. Ayon sa kanya, kung hindi babayaran ni Coco ang mga pinsalang naidudulot ng kanyang shooting, mas makabubuti raw na itigil na nito ang pag-shoot sa lugar. Sa kanyang pahayag, matapang na sinabi ni Labador, “Hindi ka batang Quiapo, isa kang ‘anak ng tokwa’,” na agad namang umani ng sari-saring reaksyon mula sa mga netizens.


Habang marami ang sumang-ayon kay Rendon at sinabing pinapahalagahan lamang niya ang mga naghahanapbuhay sa Quiapo, marami rin ang dumipensa kay Coco Martin, na kilala sa karakter niyang "Tanggol" sa serye. Ayon sa mga tagasuporta ni Coco, naiinggit lamang umano si Labador sa tagumpay ng aktor.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts