Isang kwentong tila mahirap paniwalaan ngunit totoo—ang isang pulubi sa India na kinilalang si Bharat Jain, 49 anyos, ay tinaguriang “Richest Beggar in the World.” Sa kabila ng kanyang buhay sa lansangan, nagawa niyang maging milyonaryo, na may net worth na umaabot sa $1 million o mahigit 50 milyon pesos.
Photo: User/FB
Ang kanyang yaman ay naipon sa loob ng isang dekadang pamamalimos sa mga pangunahing daan sa Mumbai, partikular sa mga railway station kung saan dagsa ang mga tao.
Sa ulat ng Economic Times, tinatayang kumikita si Jain ng mahigit 2,500 rupees o katumbas ng 1,600 pesos kada araw mula sa pamamalimos. Dahil sa kanyang naipon, napagtapos niya ng pag-aaral ang kanyang dalawang anak sa isang mamahaling private school. Nag-invest din siya sa pagbili ng 2-bedroom apartment sa Mumbai na nagkakahalaga ng 7.9 million rupees at dalawang commercial spaces na nagpaparenta siya, na kumikita ng mahigit 21,000 pesos kada buwan.
Sa kabila ng kanyang pagiging milyonaryo at mga naipundar na ari-arian, patuloy pa rin sa pamamalimos si Jain. Dahil dito, maraming tao ang pumuna at nagsabing inaabuso niya ang kabaitan ng mga nagbibigay ng limos. May mga humanga sa kanyang dedikasyon at tapang, ngunit ayon sa iba, ito’y isang uri ng pangsa-scam. Ang kwentong ito ay nagpapakita ng kakaibang tagumpay mula sa simpleng pamamalimos, ngunit kasabay din nito ang kontrobersya at iba't ibang opinyon mula sa publiko.
No comments:
Post a Comment