Pokwang, Nakipag-Date Kasama ang Bagong Kaibigan na si Richard sa Segment ng ‘It’s Showtime’

 




Nakatakdang makipag-date si Pokwang kasama ang new-found friend niyang si Richard, na nakilala niya sa popular na segment na “EXpecially for You” ng noontime show na “It’s Showtime.” 

Photo: It's Showtime/YT


Ang komedyante at aktres na si Pokwang, na tatlong taon nang single, ay naging searcher sa naturang segment noong Sabado, Agosto 17. Sa harap ng mga manonood at sa tulong ng kanyang panganay na anak na si Mae, pumili si Pokwang mula sa tatlong searchee, at sa huli ay si Richard ang kanyang napiling makasama.


Sa naging panayam sa kanya ni Vice Ganda, ibinahagi ni Pokwang ang dahilan kung bakit siya sumali sa segment. “Syempre, I’m a fan of this segment. And of course, gusto ko naman ding maiba ‘yung ikot ng buhay,” saad ng aktres. Samantala, ikinuwento naman ni Mae na matagal na niyang hinihikayat ang kanyang ina na sumali sa programa, dahil aniya, “Para sa akin talaga, mas gusto kong tumanda siya nang may makakasama.”


Habang nagtutuloy ang programa, nagbahagi si Pokwang ng ilang detalye tungkol sa kanyang dating relasyon sa American actor na si Lee O’Brian, na ama ng kanyang bunsong anak na si Malia. Bagama’t piniling hindi pangalanan si O’Brian, tinawag na lang siya ni Pokwang bilang “Chururut Bumblebee” sa kanilang masayang pag-uusap.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts