Pictorial ni Chloe San Jose sa Bagong Condo ni Carlos Yulo, Umani ng Samu't Saring Reaksyon Online

 


Nagbahagi ng bagong social media post ang nobya ni Carlos Yulo, si Chloe San Jose, na agad na naging usap-usapan online. Sa post, ipinakita ni Chloe ang kanyang bagong hair color na mula sa dating mala-goldilocks ay naging 'milk tea.' Nilagyan niya ng caption ang post na, "goldilocks out, milktea in."

Photo: Chloe/IG


Isa sa mga unang nagkomento sa post ni Chloe ay si Carlos Yulo mismo, na nagpahayag ng kanyang paghanga sa nobya, "Grabe napaka ganda mo mahal ko." Napansin din ng ilang netizens na ang mga larawan ni Chloe ay kinunan sa loob ng bagong condo unit ni Carlos Yulo sa McKinley Hill, Taguig City. Ang condo unit na ito ay ipinagkaloob kay Carlos ng Megaworld noong August 14, 2024, bilang pagkilala sa kanyang tagumpay bilang isang two-time Olympic gold medalist.


Samantala, iba't ibang reaksyon ang ibinahagi ng netizens hinggil sa post na ito. May mga nagsabing natural lamang na magkasama ang magkasintahan sa nasabing condo, habang ang iba naman ay nagbigay ng opinyon na dapat kasama ni Carlos ang kanyang pamilya sa condo unit na iyon. Narito ang ilan sa mga komento:


- “Dapat lang, alangan naman mother ang ikasiping nya? Killjoy”

- “Sa condo ni Yulo yan no? Dapat magulang ni Yulo naandyan!!!”

- “Bente kwatro na si Carlos, pwede na mag-asawa. Saka na fully paid na ni Carlos bahay ng nanay nya ah, bakit pati condo kailangan kanya?”

- “Sabihin nanaman ng mga matatandang ginagawang retirement plan ang mga anak.”

- “Pinapakinabangan na si Carlos ahahahaha”


Tila patuloy na sinusubaybayan ng publiko ang mga kaganapan sa buhay ni Carlos Yulo at Chloe San Jose, lalo na ang kanilang relasyon, na madalas napapansin at pinag-uusapan sa social media.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts