Miss Cynthia Carrion may Isisiwalat sa Pagkatao ng GF ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose

 




Ibinahagi ni Miss Cynthia Carrion, President ng Gymnastics Association of the Philippines, ang ilang detalye tungkol sa nobya ni Carlos Yulo na si Chloe San Jose at nilinaw ang mga maling pagkakakilala ng publiko sa kanya. 

Photo: User/IG


Ayon kay Carrion, mabait at malambing si Chloe, kaya't suportado niya ang relasyon nito kay Caloy.


Sa isang panayam sa DWIZ, inilahad ni Miss Carrion na nagplano si Chloe ng isang dinner kasama ang pamilya ni Carlos upang magkaayos ang kanilang mga pamilya. Ngunit dahil sa mga isyung lumabas sa social media, hindi natuloy ang plano. "In fact, she was willing to give a dinner with the parents… her family and the family of Carlos. She was already planning a dinner together, but then, ‘that’ thing came out. All of the things… media coming out… that discouraged her," saad ni Miss Carrion.


Dahil sa mga nangyari, napagpasyahan nina Chloe at Caloy na itigil muna ang plano at manahimik habang inoobserbahan ang sitwasyon ng kanilang pamilya. Umiwas din si Chloe sa media attention upang hindi na lumala ang alitan sa pagitan nina Carlos at ng kanyang pamilya. 


Matatandaang tinanggihan ni Chloe ang isang panayam mula kay Mariz Umali ng GMA News noong gabi ng Heroes’ Welcome, upang maiwasan ang mas matinding kontrobersya.

@dwiznews #DWIZEXCLUSIVES | Gymnastics Association of the Philippines President Cynthia Carrion, kinumpirmang nagplano si Chloe San Jose na magkaroon ng dinner ang family nito at family ni Carlos Yulo YouTube: www.youtube.com/@DWIZ882Live #dwiz #dwiznews #aliw23 ♬ original sound - DWIZ News

No comments:

Post a Comment

Popular Posts