Megaworld Corporation, In-upgrade ang Reward ni Carlos Yulo!

 



Dahil sa kanyang dalawang gintong medalya sa Paris Olympics 2024, in-upgrade ng Megaworld ang reward na ibibigay nila sa ating kampeon na si Carlos Yulo. Hindi lang basta-basta ang gantimpala dahil bukod sa Php3M cash, magkakaroon din si Carlos ng three-bedroom condo unit sa McKinley Hill na nagkakahalaga ng Php32M.

Photo: Carlos/IG

Ang Megaworld ay kilala sa kanilang suporta sa mga atleta at ngayong nakamit ni Carlos ang tagumpay, mas pinatunayan nila ang kanilang pagpapahalaga sa mga bayaning Pilipino. Ang condo unit na ito ay isang simbolo ng pagkilala at pagpapahalaga sa kanyang pagsusumikap at tagumpay. 


Lubos ang pasasalamat ni Carlos sa napakagandang regalo na ito. "Wow, I did not know that," nangingiting sambit niya nang marinig ang balita mula kay ABS-CBN reporter Dyan Castillejo. Talagang hindi matatawaran ang suporta ng mga kumpanya tulad ng Megaworld sa ating mga atleta.


Congratulations, Caloy! Ang iyong tagumpay ay hindi lamang para sa iyo kundi para sa buong bansa. Patuloy kaming sumusuporta at nagdarasal para sa iyong tagumpay sa mga darating pang kompetisyon.

No comments:

Post a Comment

Popular Posts